Tumatakbo na ng mabilis
Halos hindi ko na mapigilan
Pagod ba ako
Oh may masarap na pakiramdam
May inaasahan na lalabas sa dulo
Malayo na nga ang tinakbo
Marami ng nakalimutan
Nabago sa dumaang panahon
Sa piling ng mga Arabo
Ang minsan na hindi ko maintindihan
ay sadyang sinanay
hinubog ayon sa pagkakataon
pinilit na tangapin
malungkot, mainit, walang buhay
subalit binabalikan
pilit na pinupuntahan
patuloy na dinadayo
Malakas ka dapat
May baong pasinsiya
May inipong kunting saya
Na binaon sa pinagmulan
Mabaho mabilis, tahimik
Hindi ka malilibang
Hindi ka magsisisi
Sasabay ka lang sa agos
Agos ng mabilis na buhay
Agos ng malungkot
Agos na kakaiba
Agos na hindi mo nakasanayan
Tumatakbo ka para sa pera
Tumatakbo ka para sa pamilya
Tumatakbo ka para sa kinabukasan
Tumatakbo ka para mapagod
sa madami mang dahilan
kong bakit nandirito ako ngaun
hindi rin kita masasagot
No comments:
Post a Comment