alam ko na napasaya mo ako sa ilang buwan. sa sinubok na pagkakataon na pareho nating hindi sinandya.
sinabi ko sa una pa lang gusto kita sumugal ako. walang inaasahan pero malinaw na masaya ako. malinaw ng gusto kong bumuo ng mga alaala kasama ka. madalas makulit ako sa mundo nating dalawa. madalas iniilagan ko ang mga bagay na alam kong hindi makakabuti. madalas pilit kong inilalagay ang ating mundo sa alam kong ligtas ka at ligtas ako. may mga panahon na gusto kong sumuko. mga panahon na gusto kitang iwan. subalit sa mundo natin pinili pa rin kita kahit na minsan ayaw ko na. hindi ako perpekto. madami akong kulang katulad din ako ng mga tao nasasaktan nagkakamali. sa panahong binubuo ko ang tinatawag kong sating dalawa alam ko na maari kang sumuko maaring mawala.
hindi ko inasahan na matatapos tayo. nagtapos sa isang bagay na madalas nating pag-awayan. sabi ko nga ikaw ang may gusto non kaya pinakawalan kita. nalungkot ako isang buwan ilang araw. bumabalik ang alaala na masaya. ang gabi na may katabi ako hawak ang kamay hangang sa makatulog. kayakap kahit mainit ang gabi. kaaway at kausap pag ang pagkakataon ay hindi umaayon sa araw ko.
sa natapos na bahagi ng buhay ko. hindi ako naghinayang nalungkot malamang. sapagkat nagmahal ako ng totoo. kasama ang mga bagay na ginawa ko bagay na alam kong nagpasaya sa kong ano ang meron tayo.
hindi ako napagod na magmahal
hindi rin ako natakot
ayaw kong hanapin yong tamang tao
gusto kong makita yong tao
na kayang itama kong may mali
kayang pumasok sa mundo ko
kayang yakapin kong ano ako
para sa isang paglalakbay
hindi mas perpekto
pero kaya akong samahan
gaano man et kabato
Tuesday, June 17, 2014
Sa Piling ng mga Arabo
Tumatakbo na ng mabilis
Halos hindi ko na mapigilan
Pagod ba ako
Oh may masarap na pakiramdam
May inaasahan na lalabas sa dulo
Malayo na nga ang tinakbo
Marami ng nakalimutan
Nabago sa dumaang panahon
Sa piling ng mga Arabo
Ang minsan na hindi ko maintindihan
ay sadyang sinanay
hinubog ayon sa pagkakataon
pinilit na tangapin
malungkot, mainit, walang buhay
subalit binabalikan
pilit na pinupuntahan
patuloy na dinadayo
Malakas ka dapat
May baong pasinsiya
May inipong kunting saya
Na binaon sa pinagmulan
Mabaho mabilis, tahimik
Hindi ka malilibang
Hindi ka magsisisi
Sasabay ka lang sa agos
Agos ng mabilis na buhay
Agos ng malungkot
Agos na kakaiba
Agos na hindi mo nakasanayan
Tumatakbo ka para sa pera
Tumatakbo ka para sa pamilya
Tumatakbo ka para sa kinabukasan
Tumatakbo ka para mapagod
sa madami mang dahilan
kong bakit nandirito ako ngaun
hindi rin kita masasagot
Halos hindi ko na mapigilan
Pagod ba ako
Oh may masarap na pakiramdam
May inaasahan na lalabas sa dulo
Malayo na nga ang tinakbo
Marami ng nakalimutan
Nabago sa dumaang panahon
Sa piling ng mga Arabo
Ang minsan na hindi ko maintindihan
ay sadyang sinanay
hinubog ayon sa pagkakataon
pinilit na tangapin
malungkot, mainit, walang buhay
subalit binabalikan
pilit na pinupuntahan
patuloy na dinadayo
Malakas ka dapat
May baong pasinsiya
May inipong kunting saya
Na binaon sa pinagmulan
Mabaho mabilis, tahimik
Hindi ka malilibang
Hindi ka magsisisi
Sasabay ka lang sa agos
Agos ng mabilis na buhay
Agos ng malungkot
Agos na kakaiba
Agos na hindi mo nakasanayan
Tumatakbo ka para sa pera
Tumatakbo ka para sa pamilya
Tumatakbo ka para sa kinabukasan
Tumatakbo ka para mapagod
sa madami mang dahilan
kong bakit nandirito ako ngaun
hindi rin kita masasagot
Subscribe to:
Comments (Atom)