Hindi nga siguro madali ang mabuhay ,lalo na kong ang bawat galaw, ay may kapalit na dahilan, subalit pano nga ba ang maging masaya? Masaya ka ba kong ginagaw mo ang isang bagay na alam mong mali sa pananaw ng iba, subalit nagbibigay ng ibayong saya sa iyo. Hindi nga siguro panuntunan ng buhay na dapat laging tama. Subalit ang dapat siguro ay wala kang taong,inaapakan walang kang sinasaktan at,alam mong masaya ka sa ginagawa mo.
Sa nagdaang mga araw umikot ang mundo ko sa pinakamabilis na dahilan nito,niyanig sa pinakamataas na antas,nagpainit sa pinakamainit upang magbaga at pumaimbulog sa dako pa roon. hindi nga siguro sapat ang mag dahilan para maramdaman ko ang isang damdamin na masakit subalit masaya ako. Ligayang dumidilig ng luha ko at ang bawat patak ang dahilan sa isang lungkot na masaya.
Hindi nga siguro ako maiintindihan, sapagkat ang salita ay hindi sapat para mailarawan,ang kulay nga mundo na gusto kong marating sa ngayon,ang kabilang kaligayahan na gusto kong madama,sa kabila sa dulo ,hindi ko alam subalit ligaya nga sigurong matatawag na umiiyak ako para sayo