Pagkalipas ng mahabang panahon, andito uli ako, nagsusulat ng kong ano ano sa likod ng mga pangyayari. May nasaktan, may nakasakit may nagpakilala.
Mahaba haba na nga ag tinakbo simula ng ako ay maligaw sa isang bahagi ng aking mundo na madalas ko dating gawin. Ang sumulat at magbasa ng kong ano-ano, nakalimutan oh sadyang masyadong lang abala sa mag bagay-bagay na ibinibigay ng mundo.
Ng matuto akong magmahal hindi ako natakot masaktan, sapagkat sabi ko mas masarap pa rin ang pakiramdam na nagmahal ka kisa magalit. Ilang beses na nadapa, nabigo, at bumangon. Kasama ang mga sugat at galos na nadama may mga peklat na naiwan may malalim, may mababaw subalit lahat ay napagaling ng panahon. Sa bawat paghilom ay may mga nabago, may aral na naiwan.
Bumalik ako sa dating gawi, tinanong ko ang sarili ko, naagod ba ako? Hindi naman kaya natuto na sa mga naramdamang sakit. Isa lang ang masasabi kong totoo natuto akong magpatawad.
Ma tumatag ang pananalig ko si Lumikha mas lumalim ang paniniwala na ang lahat ng bagay ay may dahilan. Lahat natatapos katulad lamang ng buhay.
Kasabay ng pagbalik ko ay pag bitaw sa mga alalahanin na dala ng buhay. Hindi ako nagpapaalam sa kanino man, Subalit umaalis ako sa isang bahagi ng kanilang buhay.