Tuesday, December 10, 2013

Natapos. . . . . .

Parang matagal ng panahon nong huli ako sumulat ng bagay bagay dito.
Siguro masaya ako? kuntento? or may umuukopa lamang ng panahon ko
Masyado ngang mabilis na dumaan ang isang taon.
Hindi ko namalayan ang isang hindi sinasadyang pagkikita
ay nadugtungan ng madaming alaala
Nasamahan ng mga masasayang sandali
aminado akong naging masaya ako sa loob ng isang taon
Sa kabila ng mga agam agam ng paglisan, paghihiwalay oh katapusan
Hindi ko alam pero hindi nawala sa aking isipan
Na isang araw mag iiba ang landas nating tatahakin
Palaging gumugulo sa aking isipan
Hindi naman ako natakot, nalungkot
Ang tamang pakiramdam na madalas pumapasok
Sa aking kamalayan
Siguro dahil nasanay ako na nakikita ka
Nasanay ako na may katabi
Sa tuwing matatapos ang lingo
Nasanay ako na may pinaghahandaan
Nasayan ako na may kayakap
Nasanay na may pinagsasabihan ng araw ko
Nasanay na may inaaway.




Sunday, October 6, 2013

Saudi

Matagall na pala ako dito
Hindi ko na namalayan
Nakauwi na nga ako sa aking lupang sinilangan
Subalit bumalik
Sa mainit na lupain
Malungkot man
Nakakainis
Mas oky pa rin

Isa na ngang paglalakbay
Tahimik
Mapayapa
At mas makabuluhan
Mas maayos nga ang buhay ko ngaun
Mas may kabuluhan
Kasabay ng pagdagdag ng edad ko
Matupad kaya ang iba kong pangarap??????